Free Web Hosting Provider - Web Hosting - E-commerce - High Speed Internet - Free Web Page
Search the Web

News about Rico I






Rico's Home Page

Rico Yan - A Farewell

Rico's Prayer Page

News about Rico I

News about Rico ll

Thoughts on Rico

Rico Yan's Profile

Rico Yan Youth Foundation

Rico's Photo Page l

Rico's Photo Page ll

Rico's Photo Page lll

MTB Eulogy

MTB Photos

MTB Photos ll

Filmography

Guest Book Page

Info/Contact Site Editor

  


Rico Yan 1975-2002


 

Isang eksklusibong pagtatanghal ng Pipol

Malakas ang dating ng cute na si Rico Yan nang una syang masilayan sa isang TV commercial noong 1995.

"I was eating in La Salle, at one of the fastfoods in La Salle, a talent scout came over and asked me if I want to be a commercial model. (What's your initial reaction?) 'Yeah right! [laughs] (Bakit?) Hindi, because I was, pumipila ako and she just came over and asked me, kala ko ginu-good time ako nito!'"

Sa taglay nyang charm, di mahirap na mapansin ng mga talent scout at imbitahing pasukin ang mundo ng showbizness.

Hindi nag-dalawang isip, pinasok na nga ang bagong yugto ng kanyang buhay at di naglaon ay sumikat siya.

Mula sa isang pribado at konserbatibong pamilya si Ricardo Carlos Castro Yan.

Siya ay anak ng mag-asawang negosyante at laking Magallanes, White Plains, Alabang at La Vista.

Pero bata pa lamang ay puno na rin ng drama ang kanyang buhay.

Ayon sa kanyang kapatid na si Bobby Yan, sakitin si Rico nung maliit pa ito.

"When he was a young kid meron syang sakit na meningitis. He almost died. Wala pa yata syang one year old non. So ano yun sa ulo eh, so habang lumalaki sya, iniiingatan ng parents ko yung ulo na hindi maumpog. Pero ang problema, masyadong malikot si Rico eh na nahuhulog sya ng palikod. So pag tumatama ang ulo, kailangan na agad naming I-rush sa ospital. It was always a concern. [We give him] special care, favorite yan kasi nga nung bata, muntik nang namatay si Rico. So [binigyan ng] special care nung parents ko, so sa amin, OK lang, di kami naiinggit or whatever alam, namin at naiintindihan naming yun," sabi ni Bobby.

Sya ang pinakapaboritong apo at sa isang file interview kasama si Ces Oreña Drilon ng Pipol, tinanaw naman ni Rico ang kanyang lolo na si Amb. Manuel Yan bilang may malaking impluwensya sa buhay nya.

"Isa sya sa paborito kong apo, sabay kaming kumakain, nagsisimba, ako tsaka yung asawa ko. Of course, in a certain way I had a hand in upbringing him at nakita rin yan sa pamamagitan ng example," sabi ng nakatatandang Yan.

"Growing up, I think the person with the strongest influence in my life is my grandfather. We were growing up and he'd go like "Rico, that's bad, he's always like that, he's always very straightforward. He'd tell you if you're wrong and there are no gray areas," sabi ni Rico.

May taglay ding kapilyuhan, pero kapilyuhang hindi kinaiinisan kundi kinatutuwaan.

"I stole some street signs once and put them in my room," sabi ni Rico.

Pinangarap nya noong pumasok sa Philippine Military Academy upang sundan ang yapak ng lolo na isang retired general pero naging problema ang kalabuan ng kanyang paningin.

"I told my dad once that I wanted to take the exam from the PMA pero nakasalamin ako, so di pwede," ani Yan.

Kaya't pumasok na lamang sa De La Salle University at kumuha ng kursong Commerce major in Marketing and Management.

Habang nag-aaral sa kolehiyo, napasok sa pag-aartista kaya't di naging madali para sa kanya na pagsabayin ang napaka-hectic na schedule.

Pero pinanindigan nya ang pangakong makatapos ng kanyang pag-aaral.

Samantalang ang kanyang pag-aartista naman ay naging maswerte din, dahil naging kabikabila ang kanyang mga naging programa't pelikula.

Minahal sya ng maraming fans dahil sa ipinapakita nyang kabaitan sa pakikitungo sa kanila.

Sa loob ng showbizness na samu't-sari ang mga tukso at bisyo, napanatili ni Rico ang isang wholesome na image at tinanghal sya bilang isang role model ng kabataan.

Patunay dito ang pagkapili sa kanya bilang official DECS spokesman and role model for student and youth.

Isang magaling na businessman si Rico Yan, marami syang mga plano pang negosyo pero ang higit sa lahat mayroon syang malaking plano sa kanyang buhay.

Plano nya para sa mga kabataan na magkaroon ng maayos na kinabukasan.

Sa mga huling araw ng buhay ni Rico, paulit-ulit nyang pinag-iisipan kung ano ba talaga ang kanyang misyon sa buhay.

Sa tulong ng kanyang spiritual adviser na si Fr. Tito Caluag, unti-unti nya itong nabubuo sa kanyang puso at isipan.

"Yung mga last two, three weeks ng kanyang buhay, unti-unting pumapasok yun eh, yung malalim na pagtanggap nya sa katotohanan ng sarili nya. Yung katotohanan is oo, meron syang mga nakaraan na parang naging sugat, parang naging insercurity nya or fears, pero ang nangibabaw na towards the end was mayrong napakahalagang tawag sa kanya ang Diyos eh," sabi ni Caluag.

Para sa kanyang pamilyasi Rico ay isang mapag-mahal na kapatid at malambing na anak.

Ayon sa kapatid na si Tina, "Of course it was different when we were younger, you know, I was bullied by him. Kami'y magkasunod eh, but he made up for it when we got older, we got more mature, he was very loving, making sure that I had everything. He'd ask me 'What do you need.' He just wants me to give everything."

Sa kanyang huling Christmas gift sa kanyang mga magulang niregaluhan nya ang mga ito ng bagong kotse.

Ito ang katangian ni Rico na di makakalimutan ng buong pamilya - - isang taong punong puno ng sorpresa.

Isang malaking kawalan si Rico para sa mga naging kasamahan sa trabaho.

Lahat ay nagsasabing isa syang mabuting kaibigan at ang dating masayang kapamilya sa pananghalian ay lumuha sa kanyang biglang paglisan.

Lahat na yata ng taong aming makausap at nakasalamuha ni Rico ay may magandang kwento tungkol sa kanyang nagawa sa kani-kanilang buhay.

Lahat sila'y puno ng panghihinayang na kung sana lang at nadugtungan pa ng konti pang oras ang kanyang buhay marami pa ang kanyang matutulungan, pamamangiti at mapapaibig.

Pero sa mga taong naiwan nya ang lahat ng kanyang naumpisahan ay kanilang ipagpapatuloy upang isabuhay ang kanyang matayog na pangarap ni Rico.

"I want to be remembered by the people that I helped as somebody who always managed to always be there when they needed me the most. And I always told them that, no matter what happens I will always be there by your side and I will never stop achieve your dreams," sabi ni Rico nung nabubuhay pa





 

blairwitch2001@hotmail.com

 



 

 



30345